BuCor Director, pinasisibak

BuCor Director, pinasisibak

NANAWAGAN ang dalawang senador na sibakin o kung hindi naman ay kusang mag-leave of absence si Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag sa gitna ng isyu ng COVID 19 deaths sa New Bilid Prisons (NBP).

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, dahil sa mga iregularidad sa mga nakalipas na panahon sa BuCor nawalan na ng tiwala ang taumbayan kaya’t dapat nang tanggalin si Bantag sa posisyon.

“I am tempted to say fire him and dismiss him, because he appears to be oblivious of the issue of public interest,” saad ni Drilon.

Iginiit din nito na walang basehan ang paggamit ni Bantag ng Data Privacy Act para itago ang pagkakasakit at pagkamatay ng mga preso kasama na ang high profile inmates.

“A death is not among the sensitive personal information that cannot be released. There must be transparency,” diin nito.

Samantala, sinabi ni Senador Richard Gordon na dapat magsumite ng full report si Bantag sa Department of Justice hinggil sa mga pangyayari bago ito maghain ng kanyang leave of absence.

Nanindigan si Gordon na nilabag ni Bantag ang protocol hinggil sa agad na pagrereport ng mga nagpopositibo sa COVId 19 lalo pa ang pagtatago ng pagkamatay ng mga preso.

Hinikayat din ng senador ang executive department na agad aksyunan ang mga ibinabatong alegasyon sa BuCor dahil patuloy anya ang pagbaba ng kredibilidad nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: