Kondisyon ng kalusugan sa mga kulungan, busisiin

Kondisyon ng kalusugan sa mga kulungan, busisiin

ISINUSULONG ni Senador Risa Hontiveros ang resolusyon para magsagawa ng imbestigasyon sa kaso ng pagkamatay ng mga high profile inmate sa New Bilibid Prisons (NBP) dahil sa COVID 19.

Sa kanyang Senate Resolution 473, hiniling din ni Hontiveros na siyasatin ng Senado ang health and sanitary condition ng mga kulungan.

Sinabi ni Hontiveros na maraming kwestyon sa ulat ng pagkamatay ng mga inmates na dapat linawin ng Bureau of Corrections.

Ipinaalala ng senador sa resolusyon ang ilang alegasyon ng katiwalian laban sa BuCor na kinabibilangan ng ‘Good Conduct Time Allowance for Sale’ at iba pang modus operandi ng mga high-ranking officials kapalit ng malaking halaga.

Binigyang-diin ni Hontiveros na sa pamamagitan ng imbestigasyon, matutuldukan ang mga ispekulasyon at mapapalakas ang pagresponde ng gobyerno sa pandemic sa penal institutions.

Una nang sinabi ni Senador Richard Gordon na handa ang Senate Blue Ribbon Committee at Committee on Justice and Human Rights na busisiin ang isyu ng COVID 19 deaths sa Bilibid.

Leave a Reply

%d bloggers like this: