Paggamit ng gasolina sa pag-disinfect ng facemask, “Joke, joke, joke” uli ni PRRD

Paggamit ng gasolina sa pag-disinfect ng facemask, “Joke, joke, joke” uli ni PRRD

ISA sa mga biro lamang umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang binitiwan niyang payo na gumamit ng gasolina o diesel sa paglilinis sa mga gamit nang facemask, ayon sa interpretasyon ng Department of Health (DOH).

“Alam niyo naman ‘pag nagsasalita si Presidente, baka, he, ‘yung mga jokes lang niya ‘yun, especially ‘yung sa gasoline,” ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa online forum nitong Miyerkules.

Sa halip, ipinayo ni Vergeire na labhan ang mga re-usable na facemask tulad ng may materyales na tela at ibilad sa araw para matiyak na malinis ito. Nagbabala rin siya sa paglalaba sa mga disposable o medical-grade na face mask na masisira ang filters o components kung lalabhan.

“Iyong mga surgical mask at N95 mask e single use only. Hindi mo ‘yan puwede hugasan. Kasi ‘pag hinugasan mo ‘yan, may mga components ‘yang mask na certain filtering mechanism. Kapag hinugasan mo o binasa mo ‘yan, mawawala na ang effect nu’n. Hindi na siya magiging effective in filtering these viruses,” paliwanag ng opisyal.

Nanawagan rin si Vergeire sa tamang pagtatapon o disposal ng facemasks makaraang ma-monitor na basta-basta nakakalat ito sa mga kalye. Sinabi niya na dapat itrato ng publiko na nakakahawa ang mga gamit nang facemask at itam ang pagtatapon ng mga ito para hindi na makahawa kung ang may gamit ay may sakit na COVID-19.

Leave a Reply

%d bloggers like this: