758 SUVs at iba pa ipinamigay sa govt. agencies

758 SUVs at iba pa ipinamigay sa govt. agencies

KAYSA wasakin, ipinamigay na lamang ng Bureau of Customs ang 758 na mga sasakyan na kinabibilangan ng mamahaling mga ‘sports utility vehicles (SUVs)’ na iligal na ipinasok sa bansa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Presidential Security Group (PSG) at iba pa.

Nabatid na 120 unit ang ibinigay sa PNP, 60 sa AFP habang lima naman ang sa PSG. Ang nalalabing 573 units ay nakatakdang ipamahagi pa sa ibang mga ahensya ng pamahalaan.

Kabilang sa mga sasakyan na ipinamahagi ay mga SUVs. mga vans, wagons at iba pang uri ng behikulo.

Layon umano nito na mapataas ang mobility o kakayahang bumiyahe ng mga opisyal at tauhan ng pamahalaan at makatipid sa pondo ng pamahalaan sa ipambibili ng mga sasakyan.

“As a rule, the entry of used and smuggled vehicles into the country is strictly prohibited and the subject vehicles once seized are destroyed through condemnation proceedings by the BOC. However, in 2019 the government decided to distribute the seized vehicles to government agencies instead of destroying and letting them rot,” ayon sa BOC.

Leave a Reply

%d bloggers like this: