Manila Bishop Broderick Pabillo, COVID positive

Manila Bishop Broderick Pabillo, COVID positive

MAGING si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ay tinamaan rin ng coronavirus disease (COVID-19) na kaniyang inihayag sa social media account ng Archdiocese of Manila nitong Huwebes.

“It is in this spirit that I announce that I am tested positive with COVID-19 with the RT-PCR test. Although I do not feel anything, I follow the protocol that is set,” ayon kay Pabillo.

Hiniling rin ng Obispo sa mga mananampalataya na huwag masyadong mag-alala sa kaniya at alayan na lamang siya ng panalangin na labis umanong makakatulong sa kaniyang kundisyon.

“Since I am in my normal self, thank God, the scheduled online meetings that we have set will continue. Life must go on,” sabi pa niya.

Ang mga pari ng Archdiocese of Manila ang mamamahala ng misa sa darating na Linggo ng tanghali sa Manila Cathedral at magbabasa ng homily na kaniyang inihanda.

Sinabi niya na ipinaalam na rin ito sa mga taong nakahalubilo niya sa mga nakaraang linggo para magsagawa rin ng kaukulang aksyon para sa kanilang kalusugan. Masuwerte naman na nagnegatibo lahat ng kaniyang mga staff sa virus.

Matatandaan na sa ulat ng Vatican, umabot na sa 11 Obispo sa mundo ang nasawi dahil sa COVID-19.

Leave a Reply

%d bloggers like this: