Presyo ng computers at gadgets, nagtaasan

Presyo ng computers at gadgets, nagtaasan

DAHIL sa nalalapit na implementasyon ng blended learning ng pamahalaan, ibinulgar ng isang kongresista ang pagtaas ng presyo ng mga computer at iba pang gadgets na sinasamantala umano ng mga negosyante.

Sinabi ni 8th District Cavite Rep. Abraham “Bambol’ Tolentino na dapat aksyunan ng pamahalaan ang pagtataasan ng presyo ng mga computers at iba pang mga communication gadgets na gagamitin ng mga estudyante sa online classes.

Sinabi ni Tolentino, Vice Chairman ng House Committee on Good Government na ang pagtaas ng presyo ng mga laptops, desktops ay matapos namang magdesisyon ang pamahalaan na ipagbawal muna ang face –to-face classes sa malaking bahagi ng bansa upang maiwasan na magkahawaan sa COVID 19.

Nanawagan rin ang solon sa Department of Education (DepEd) at Department of Trade and Industry na ikonsidera na kontrolin ang presyo ng mga computer gadgets at maging ng mga laptop.

“Prices of computers and mobile phones have become quite restricitive. Drop out rate will soar unless government swiftly acts on the problem,” saad niya.

Base sa mga hinaing ng mga magulang at estudyante, ang mga laptop na may CORE i3 processors na dating ibenebenta sa halagang P20,000 hanggang P24,000 bago ang pandemya ay mabibili na ngayon sa halagang mula P 28,000 hanggang P34,000.00.

“Unless government intercedes in behalf of parents and students, the state will be reneging on its duty to protect and promote the right of all citizens, particularly the youth, to quality education,” ayon pa kay Tolentino, Chairman of the House Committee on Accounts.

Leave a Reply

%d bloggers like this: