Win: ECQ lang ang makakapigil sa pagbubukas ng klase sa Agosto

Win: ECQ lang ang makakapigil sa pagbubukas ng klase sa Agosto

TULOY na tuloy na ang pagbubukas ng klase para sa school year 2020-2021 sa Agosto 24.

Sinabi ni Gatchalian na tanging ang pagbabalik sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) o Modified (ECQ) sa Metro manila ang posibleng makapagpapigil sa pagbubukas ng klase.

“Ang nakikita ko pwedeng dahilan para iurong [yung pagbubukas ng klase] eh kung babalik tayo sa ECQ this coming August, dahil under ECQ bawal talaga lumabas. We have a new law pwede gamitin ng Pangulo, iurong ang pagbubukas ng klase. Pero that’s the only scenario I see na pwedeng maiurong yung opening of classes,” sinabi ni Gatchalian.

Ipinaliwanag ng senador na sa kanyang pakikipag-ugnayan sa Department of Education (DepEd) at maging sa mga school division, nasa 90% na ang kanilang paghahanda kabilang na ang pag-iimprenta ng mga modules na gagamitin.

Samantala, nanindigan si Gatchalian na hindi uubra ang face to face classes sa Agosto kahit sa mga lalawigan na mababa o walang kaso ng COVID 19.

Ipinaliwanag ng senador na maging ang mga gobernador sa mga lalawigan na may mababang kaso ng virus ay takot ding ipatupad ang face to face classes dahil darami ang aktibidad at posibleng maging open-close ang mga eskwelahan.

“I agree with them, once we increase movement of people we will def increase risk. Kahit na ang bata low infection rate pero pwede pa rin sila maka infect sa bahay nila. The situation is very uncertain what is best is to give certainty in distance learning,” binigyang-diin pa ng senador.

Nilinaw naman ng mambabatas na sa pahayag ng DepEd, sa Enero pa nila tinatarget na magkaroon ng face to face classes.

Leave a Reply

%d bloggers like this: