Kasong kriminal sa mamemeke ng COVID-19 test results

Kasong kriminal sa mamemeke ng COVID-19 test results

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) na mahaharap sa kasong kriminal ang sinuman na mahuhuli at mapapatunayan na nameke ng kanilang COVID-19 test results.

Kakaharapin ng sinumang mahuhuli ang kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code o Falsification of Documents at maaaring makulong ng hanggang anim na taon.

Samantala, isa sa posibleng paraan para matiyak na hindi madadaya ang mga resulta ng COVID-19 anti-body rapid tests ay ang paglalagay ng ‘bar codes’.

Ito ang panukala ng DOH makaraan ang mga ulat na pinipeke o dinodoktor ang rapid test results ng ilang editing shops sa Quezon City para mapalabas na negatibo ang isang kustomer.

“Itong nangyari kahapon tinitignan natin kung paano mas maeensure ‘yung rapid antibody ay hindi magkakaroon ng ganitong mga issue,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nanawagan rin sa mga lokal na pamahalaan at sa mga laboratoryo na gumawa ng aksyon ukol dito.

Ang resulta ng PCR tests ay may barcode at iba pang features na maaari ring mailagay sa rapid test results para hindi mapeke.

Nagbabala pa si Vergeire na ang pamemeke ng mga COVID results ay posibleng maging dahilan ng mas malawakang pagkalat ng virus.

Leave a Reply

%d bloggers like this: