Katiwalian sa Philhealth, bubusisiin ng buong Senado

Katiwalian sa Philhealth, bubusisiin ng buong Senado

GIGIL ang mga senador sa mga panibagong alegasyon ng katiwalian sa Philhealth sa gitna ng kinakaharap na COVID 19 pandemic ng bansa.

Dahil dito, buong Senado bilang Committee of the Whole ang inaasahang mag-iimbestiga sa isyu at ipaprayoridad ito sa kanilang pagbabalik sesyon.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, maghahain siya ng resolusyon para sa pag-convene ng Senado bilang Committee of the Whole upang busisiin ang bawat alegasyon laban sa Philhealth.

Naniniwala si Lacson na nagpapatibay ng mga alegasyob ang sinasabing bulyawan sa zoom meeting ng mga opisyal ng Philhealth kaugnay sa P1 bilyong kwestyonableng transaksyon kabilang na ang P98 milyon na overpriced na mga procurement.

“Nakakasuya na sobra. Needless to say, there is urgency that the Senate has to act on the matter immediately, as part of its oversight mandate, having passed the Universal Health Law,” diin ni Lacson.

Iginiit naman ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na kailangan ng full blown investigation sa isyu sa gitna ng pagtanggi sa mga alegasyon.

“Where there is smoke, there is fire!” paalala ni Sotto.

Itinuturing naman ni Senador Joel Villanueva na walang konsensyang pagtatraydor sa tiwala ng publiko ang mga alegasyon laban sa Philhealth.

Hindi anya dapar palagpasin ang malaking anomalya na ito na naganap sa panahon ng pandemic.

Bukod sa Senate investigation, nanawagan si Senador Sonny Angara para sa special audit ng Commission on Audit.

Maaari rin anyang buhayin ng Senado ang kanilang inquiry in aid of legislation sa pananalapi ng Philhealth.

Para naman kay Senador Koko Pimentel, kailangan na ring rebisahin ang buong sistema nh Philhealth.

“Why do funds deplete so fast? And why are there at the same time so many complaints from hospitals that they r not being reimbursed promptly. And many more questions,” pahayag ni Pimentel.

Itinuturing naman nin Senate Minority Leader Franklin Drilon na state of emergency na ang degree ng katiwalian sa ahensya.

“The high degree of corruption within PhilHealth must be stopped. It has reached a level akin to a state of emergency,” saad ni Drilon.

Nagkakaisa rin ang mga senador sa pahayag na dapat iprayoridad ng Senado sa kanilang pagbabalik sesyon ang imbestigasyon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: