Simbahan kontra sa pagbabalik ng iligal na mga minahan

Simbahan kontra sa pagbabalik ng iligal na mga minahan

TINULIGSA ng Simbahang Katolika ang pagbabalik sa operasyon ng mga minahan na dati nang naipasara ni dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.

Sinabi ni San Carlos Bishop Gerardo Alminza, vice-chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace (NASSA), dapat umano na ipaalam ng DENR ang dahilan ng pagbabalik sa operasyon ng mga minahan na naipasa dahil sa mga paglabag sa batas sa kalikasan.

Iginiit ng Obispo na dapat magkaroon ng third party group na magpapatunay na sumunod sa patakaraan ang mga kompanyang magbabalik-operasyon at mapanagot ang mga mining firms na nagdudulot ng pinsala sa kalikasan.

“I have serious doubts and how I wish the process is transparent and open for public scrutiny. So mining companies are held accountable for any environmental damages caused by them,” pahayag pa ni Alminaza.

Una nang sinabi ni DENR Secretary Roy Cimatu na tanging mga dumaan sa tamang proseso at sumunod sa mga itinakdang hakbang ang pinapayagang magbalik-operasyon. Ito ay base umano sa rekomendasyon ng kanilang audit team.

Magugunitang noong Setyembre 2017 nang ipag-utos ng namayapang si Lopez ang pagpapasara at suspensiyon ng mining operations ng 26 na minahan dahil sa paglabag sa environmental standards at Philippine Mining Act of 1995.

Leave a Reply

%d bloggers like this: