Modus pa sa Philhealth, inilantad

Modus pa sa Philhealth, inilantad

KINUMPIRMA nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senador Panfilo “Ping” Lacson na may bago ring modus sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) na kasama sa nais nilang imbestigahan sa pagbabalik ng sesyon.

May kinalaman ito sa bagong programa ng ahensya na Interim Reimbursement Mechanism (IRM) na naglalayong suportahan ang aksyon ng gobyerno laban sa COVID 19 pandemic.

Sa paliwanag ni Lacson, alinsunod sa programang ito, may kapangyarihan nag Phihealth na magbigay ng special privilege sa pamamagitan ng ayudang pondo sa “eligible Health Care Institutions”.

Gayunman, ayon kina Lacson at Sotto, nakitaan na agad ng kababalaghan ang programang ito makaraang magpalabas ang Philhealth ng milyong-milyong pondo sa ilang hindi accredited na pagamutan na nagrehistro lamang ng isang COVID 19 patient.

Sa impormasyon ng dalawang senador, isang pagamutan mula sa Bicol region ang mabilis na binigyan ng P247 milyon habang may isa pang pagamutan mula sa Region 8.

Sa Lunes o Martes, ihahain na nina Lacson at Sotto ang resolusyon para sa pag-convene ng Senado bilang Committee of the whole upang imbestigahan ang mga anomalya sa Philhealth.

Sinabi ni Lacson na hangga’t hindi napapanagot ang mga tiwaling opisyal sa Philhealth ay tiyak na magpapatuloy ang mga iregularidad hanggang tuluyang mabankrupt ang tanggapan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: