2 Barangay sa Caloocan, isang linggong lockdown

2 Barangay sa Caloocan, isang linggong lockdown

IPINATUTUPAD ang ang isang linggong lockdown sa dalawang barangay sa Caloocan City.

Sa pahayag ng Caloocan City Government, tinukoy ang mga lugar na Barangay 95 at Barangay 97.

Nagsimula ang lockdown nitong July 26 at tatagal hanggang August 1 upang maiwasang tumaas pa ang bilang ng tinamaan ng Covid 19.

Sa impormasyon, nasa 20 na ang kaso ng Covid 19 sa Barangay 95 habang 13 sa Barangay 97.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,083 ang kaso sa lungsod kung saan 1,201 ang nakarekober at 103 ang nasawi.

Patuloy naman ang paalala ni Mayor Oca Malapitan na sumunod sa health protocols lalo na ang pagsusuot ng mask, palagiang paghuhugas ng kamay o paggamit ng alcohol at sumunod sa social distancing.

Leave a Reply

%d bloggers like this: