Dalawang barangay sa Caloocan, total lockdown

Dalawang barangay sa Caloocan, total lockdown

DALAWANG barangay sa lungsod ng Caloocan ang isinailalim ni Mayor Oscar Malapitan sa total lockdown dahil sa malaking pagtaas ng kaso ng coronavirus (COVID-19).

Ang mga barangay na isasailalim sa “total lockdown” ay ang Barangay 95 at Barangay 97 simula 12:01 a.m. ng July 26 hanggang 11:59 p.m. ng August 1.

“Napansin natin ang pagdami ng mga kumpirmadong kaso ng Covid19 sa dalawang barangay na ito sa nga nakalipas na ilang araw kaya napagdesisyunan natin na isailalim na ang nga ito sa total lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng virus,” paliwanag ni Mayor Malapitan.

Table c/o Caloocan PIO

Habang naka-total lockdown ay mahigpit ang pagbabantay ang gagawin ng Caloocan City Police habang patuloy na magsasagawa ng contact tracing ang City Health Department.

Tiniyak naman ng Punong-Lungsod ang pamamahagi ng food packs sa 2,900 mga residente ng Barangay 95 at 1,800 mga residente ng Barangay 97.

Photo c/o Calocan PIO

Leave a Reply

%d bloggers like this: