Ilang oras bago ang SONA……. 4 sakay ng jeep na may PISTON flag, inaresto

Ilang oras bago ang SONA……. 4 sakay ng jeep na may PISTON flag, inaresto

KINUMPIRMA ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Police Major General Debold Sinas na apat na indibidwal na lulan ng isang jeep ang inaresto sa Quezon City.

Sa kanyang press briefing, sinabi ni Sinas na lulan ang apat ng jeep na may kulay pulang bandera ng PISTON.

“Kanina papunta dito ‘yung tropa natin, may isang jeep, may flag… diyan sa may Circle papunta yata dito, so nahuli. Anyway, apat na tao tapos hindi na tinatanong, dinala na sa Karingal,” saad ni Sinas.

“As to what happened to that, bahala na ‘yung investigator namin sa Karingal,” dagdag pa nito.

Tiniyak din ni Sinas na sasampahan ng kaso ang apat kasabay ng pagpapaalala na bawal ang pagbiyahe ng mga tradisyunal na jeep.

“Unang-una bawal ‘yung jeep. By all means, bawal ‘yung jeep. Kung sabihin nila, social distancing, mayroon naman pasahero na apat lang,” diin ni Sinas.

Nagpaalala rin ang heneral sa lahat na abwal ang pagsasagawa ng rally sa Commonwealth Avenue.

“Anybody na magplano na magrally, magprotesta sa Commonwealth Avenue ay pagsabihan na umalis, pag hindi huli agad. Now, gagamitin natin ‘yung BJMP mobile detention, pag nahuli ‘yan sila, derecho sila sa Karingal, doon po sila lahat dadalhin,” diin ni Sinas.

Leave a Reply

%d bloggers like this: