Mobile COVID rapid testing trucks sa Maynila, iikot

Mobile COVID rapid testing trucks sa Maynila, iikot

PATULOY ang pag-level up ang Maynila sa paglaban sa COVID-19 nang makaraan ang drive-thru at walk-in testing centers, ‘mobile rapid testing trucks’ naman ang inilunsad ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na iikot sa siyudad.

Inilunsad kahapon ni Domagoso ang ‘mobile serology testing clinics’ sa Pandacan at Tondo na layong ilapit ang testing sa mga barangay.

May kapasidad ang mobile testing center na sumuri ng 100 blood samples kada araw na libreng isinasagawa sa pamamagitan ng ugnayan ng Manila Health Department (MHD), Manila Barangay Bureau (MBB) at Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Photo c/o Manila PIO

Ayon sa alkalde, tuloy-tuloy na iikot ang mga mobile testing trucks sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Maynila para hindi na rin umalis ng kanilang mga komunidad ang mga tao.

Dagdag ng alkalde, ito ang unang hakbang tungo sa agresibong mass testing sa mga barangay na may pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 ayon sa datos ng MHD.

“This is the start of our saturation drive in the city. Kapag kayo ay napuntahan, ibig sabihin kayo ay may pinakamaraming nag-positive sa COVID. May dapat tayong ipag-alala, may dapat tayong pangambahan,” paliwanag pa ni Domagoso.

Leave a Reply

%d bloggers like this: