Newly-grads na healthworkes, target ng DOH

Newly-grads na healthworkes, target ng DOH

HINIKAYAT ng Department of Health ang mga bagong graduate na mga medical students na mag-aplay sa kanila para mapunuan ang mga bakanteng posisyon bilang mga health frontliners sa paglaban sa COVID-19.

Ito ay nang muliong nanawagan ang DOH sa mga kuwalipikadong healthworkers na naghahanap ng trabaho na samantalahin ang iniaalok nila sa kagawaran makaraang halos wala umanong aplikante para sa mga bakanteng posisyon.

Kabilang sa mga posisyon na bakante sa DOH ay mga doktor, nurses, technicians at iba pa na nahihirapan silang punuin bagama’t may sapat namang pondo ang pamahalaan na pampasahod.

“Unfortunately talagang hirap na hirap kami. Madaming posisyon, may pera ang Bayanihan fund kaya lang walang takers. Wala masyadong nagkukuha ng slots na meron tayo,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ayon sa DOH nitong Linggo, nasa 6,002 posisyon sa iniaaalok na 8,810 na slot para sa emergency hiring sa 336 health facilities ang napunuan pa lamang.

“Nung una marami talagang takers. Pero ngayon I think nae-exhaust natin especially here in Metro Manila. Kaya tumitingin pa tayo kung anong ways to increase or augment health workers, especially in hospitals,” paliwanag pa ni Vergeire.

Nakikipag-ugnayan na umano ang DOH sa mga unibersidad para ma-recruit ang kanilang mga graduates sa mga kursong medikal.

Leave a Reply

%d bloggers like this: