Philhealth President Morales, hinihinalang ‘cuddler’ o bagong lider ng sindikato sa ahensya

Philhealth President Morales, hinihinalang ‘cuddler’ o bagong lider ng sindikato sa ahensya

HINIHINALA ng nagresign na si Atty. Thorrson Montes Keith na mismong si Philhealth President at Chief Executive Officer Ricardo Morales ang protektor o posibleng bagong lider ng sindikato sa ahensya.

Sa kanyang sulat kay Morales, tinanggap ni Keith ang hamon ni Morales na agad nang magbitiw sa kanyang pwesto at huwag nang hintayin ang Agosto para maging epektibo ang kanyang resignation.

Inisa-isa rin ng abogado ang dahilan ng kanyang pag-reresign kung saan nangunguna na ang hindi masikmurang katiwalian sa ahensya.

Una na rito, ang kanyang pagtutol sa mandatory payment of PhilHeaIth contribution ng Overseas Filipino Workers na maituturing anyang unconstitutional.

Ikalawa ay ang unfair na proseso ng promosyon kung saan naniniwala ang abogado na itinalaga pa ang ilang miyembro ng “Philhealth syndicate” na sangkot sa Wellmed ghost patient dialysis.

Ikatlo, ang hindi ontime na pagbibigay ng sahod at hazard pay matapos niyang simulan ang imbestigasyon sa mga opisyal ng ahensya.

Ikaapat at ikalima ay ang malawakang katiwalian sa PhilHealth at sa kanyang paniniwala ay may alam si Morales.

“I believe that you, BGen MORALES (PCEQ PhilHealth) may have become the cuddler or may have been the new leader of the syndicate in PhilHealth,” saad ni Keith sa kanyang sulat.

At ikaanim, sinabi ni Keith na nagsinungaling si Morales nang sabihin sa media na hindi siya Anti-Fraud Officer ng PhilHealth.

“I am and you signed that designation of mine twice. Actually I have two Identification Cards proving I am Anti-Fraud Legal Officer assigned at OPCEO,” diin pa ni Keith.

Leave a Reply

%d bloggers like this: