Singer Ogie Alcasid, pinatay sa fake news

Singer Ogie Alcasid, pinatay sa fake news

NABIKTIMA rin ng ‘fake news’ ang singer at actor na si Ogie Alcasid makaraang ilabasa sa isang online article na natagpuan itong patay sa loob kanyang sasakyan.

“Pls do not believe this. It is fake news,” pahayag ng singer-songwriter sa kanyang Instagram post na inilagay din ang larawan ng pekeng balita.

“[I] did not want to show the name of the person who posted it but [I] just want to inform everyone that [I] am ok. Magmahalan naman po tayo,” dagdag pa ni Alcasid.

Maging ang asawa ni Alcasid na “Asia’s Songbird” Regine Velasquez ay umalma sa bogus news item.

“Bakit naman kailangan gumawa ng ganitong balita?” saad ni Velasquez sa kanyang Instagram post.

“Alam namin at [tanggap] na namin na parti na ng aming buhay ang pagusapan kami mahirap pero kasama talaga ito sa trabaho namin,” dagdag nito.

“May pamilya po kaming maaaring mag alala kung ito ay mabasa nila. Kaya pakiusap po wag naman,” mariin pang pahayag ng Singer.

Tiniyak din ni Regine na maayos ang kalagayan ng asawa makaraan na ring magnegatibo sa Covid Swab testing kahit nagpositibo sa rapid test.

Leave a Reply

%d bloggers like this: