Zubiri, muling nagpositibo sa Covid 19

Zubiri, muling nagpositibo sa Covid 19

KINUMPIRMA mismo ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na nagpositibo siyang muli sa Covid 19 batay sa kanyang pinakahuling swab test.

Gayunman, ayon kay Zubiri, ipinaliwanga ng mga doktor na posibleng ang na-detect sa kanyang swab test ay ang mga natitirang dead virus cells sa kanyang katawan na kahalintulad ng nangyari kay Sen. Sonny Angara.

“My swab test however showed that i was positive once more for covid. According to doctors it is possible that the test detected remnants of the dead virus cells in my body as i am a covid survivor,” saad ni Zubiri.

Sa kabila nito, muling sumalang sa swab testing si Zubiri upang kumpirmahin ang resulta.

Kasama si Zubiri sa listahan ng mga senador na dadalo sana sa Batasan Pambansa para sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte subalit hindi na ito tumuloy bunsod ng resulta ng test.

Tiniyak naman ni Zubiri na wala siyang nararamdamang anumang sintomas ng virus subalit magpapatuloy ang kanyang self isolation.

“I will continue to work from isolation virtually until i get my consecutive negative results after quarantine,” diin pa ni Zubiri.

Samantala, sumasailalim na rin sa self quarantine si Senador Win Gatchalian makaraang ma-expose sa Covid 19 positive.

“Hindi na ako nakapunta sa House dahil self-quaratine na ako. I came in contact with someone who tested positive in the Senate,” saad ni Gatchalian.

Leave a Reply

%d bloggers like this: