Buong sistema sa Philhealth, dapat baguhin

Buong sistema sa Philhealth, dapat baguhin

BINIGYANG-DIIN si Senador Imee Marcos na ang bulok na sistema sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang totoong problema sa ahensya kaya’t nagpapatuloy ang mga katiwalian.

Sinabi ni Marcos na kailangang baguhin ang buong sistema kung nais na maging maayos ang pamamalakad sa Philhealth at hindi lamang ang mga pinuno ang dapat palitan.

“Paulit-ulit nang binago ang personalidad. Eh sa palagay ko sistema na ang bulok. Palagay ko kailangan nang buwagin from top to bottom. Overhaul kumbaga hindi na tune up,” saad ni Marcos.

“Nakakapikon na talagang pigang-piga na ang gobyerno, iniisip kung paano popondohan ang Universal Health Care pagkatapos hindi pa dumarating itong limpak-limpak na pera galing sa Sin Taxes, eh ilulustay lang pala sa kung anu-anong scam,” dagdag pa ng senador.

Ipinaliwanag ni Marcos na maging noong nasa Kamara pa lamang siya ay inimbestigahan na nila ang Philhealth dahil sa isyu ng kontribusyon ng mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Binigyang-diin pa ng mambabatas na mas mabigat ang mga alegasyon ngayon lalo na’t galing sa isang nagresign na anti-fraud officer ng Philhealth na nag-iimbestiga sa mga iregularidad ang nagbulgar.

Leave a Reply

%d bloggers like this: