Telecoms, dapat magising sa banta ni PRRD

Telecoms, dapat magising sa banta ni PRRD

DAPAT ituring na wake up call ng mga telecommunication companies ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte upang pag-ibayuhin nila ang kanilang serbisyo sa publiko.

Sinabi ni Lacson na isa sa makatotohanan sa mga isyung tinukoy ni Pangulong Duterte ay ang pahayag nito na sadyang bagsak ang telecommunication service sa bansa.

Ipinaalala ni Lacson na naging epektibo ang mga pagbabanta ng Pangulo katulad ng pagbabayad ng Mighty Corporation ng P40-billion sa tax, ang P6 billion na obligasyon ng Philippine Airlines, ang take over sa Mile Long property at rehabilitation sa Boracay.

Ibang usapin naman anya kung alinsunod sa Konstitusyon ang sinasabing government takeover sa mga telco.

Samantala, inamin ni Lacson na hindi nabigo ang Pangulo na ibigay ang kahalintulad na banta sa mga local government unit executives na sangkot sa extortion kapalit ng mga permit at lisensya gayundin ang proteksyon sa delay sa konstruksyon ng mga pasilidad.

Sa kabilang dako, sinabi ni Senador Francis Pangilinan na ang banta ni Pangulo sa mga telco ay magdudulot lamang ng takot sa mga foreign at local investors na mamuhunan sa bansa.

Binigyang-diin naman ni Senador Ralph Recto na hindi solusyon ang government expropriation lalo pa’t terible ang record ng gobyerno sa operasyon ng telecom at mas makabubuti anya ang kompetisyon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: