Zubiri, hindi na nakakahawa

Zubiri, hindi na nakakahawa

KINUMPIRMA ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na nag-negatibo na siya sa Covid 19 sa pinakahuli nitong RT-PCR swab test.

“I AM NEGATIVE. My confirmatory test with the Philippine Red Cross has come out and shows that I no longer have live RNA cells of [COVID-19],” saad ni Zubiri.

“What the Infectious Disease Experts have told us is that the DOH (Department of Health) result yesterday possibly detected remnants of dead virus cells which is a common occurrence with recovered patients,” diin pa ng senador.

Nagdesisyon si Zubiri na sumalang sa confirmatory test sa Red Cross matapos magpositive sa RT-PCR swab test ng DOH na ginawa para sa mga dadalo sa SONA ng Pangulo.

Ipinaliwanag anya ng mga Infectious Disease Experts na posibleng ang na-detect lamang sa DOH result ay ang natitirang dead virus cells na common anya sa recovered Patients.

“Ibig sabihin nito ay hindi na po ito nakakahawa at ligtas po ang recovered patient habang meron pa po siyang Antibodies,” diin nito.

Sa kabila nito, nagdesisyon si Zubiri na ituloy ang kanyang quarantine.

Samantala, matapos ma-expose kay Zubiri, nagdesisyon din sina Senador Win Gatchalian at Senador Nancy Binay na sumalang sa self-quarantine.

Leave a Reply

%d bloggers like this: