400 Contact tracers ilalarga sa Caloocan

400 Contact tracers ilalarga sa Caloocan

ISINAILALIM sa apat na araw na puspusang contract tracing training ang 400 na bagong contact tracers sa lungsod ng Caloocan.

isinagawa ang training nitong July 21, 22, 23 at 27 na dinaluhan ng mga bagong contact tracers tulad ng psychologists, encoders at volunteers mula sa iba’t ibang departamento; mga dentista at nurses na nakatalaga sa health centers; at mga BHERTs (Barangay Health Emergency Response Team.

Ang 400 na bagong contact tracers ay tinuruan kung paano ang tamang pakikipag usap o pag-iinterview sa mga residente ng Caloocan na nag positibo mula sa Covid-19.

Pangunahing trabaho ng mga bagong kuhang contact tracer ay hanapin ang mga nakasalamuha ng COVID-19 sa lungsod at alamin ang mga naging aktibidad ng mga ito mula sa araw na siya ay nakaramdam ng sintomas o mula sa araw na siya ay sumailalim sa swab testing.

Photo c/o Caloocan PIO

“Ang agresibong contact tracing ay ating isinasagawa dahil isa ito sa mga susi para mabilis na matukoy ang mga nakasalamuha ng mga pasyenteng may COVID-19 nang sa gayon ay mapigilan ang pagkalat nito,” pahayag ni Mayor Oca Malapitan.

Ayon kay Malapitan, ang mga taong nakasalamuha ng mga nagpositibo sa sakit o tinatawag na “close contact” ay sasailalim din sa agarang swab testing.

Ang swab testing ang ibinibigay ng libre sa mga residente ng Caloocan upang masiguro na hindi na kakalat pa at maipapasa pa ang virus sa mas maraming tao.

Leave a Reply

%d bloggers like this: