COVID sa Pinas higit 85K na, MECQ nakaamba sa MM

COVID sa Pinas higit 85K na, MECQ nakaamba sa MM

MAY posibilidad na maibalik ang ‘modified enhanced community quarantine’ sa Metro Manila makaraang pumalo na sa higit 85,000 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease sa Pilipinas nang 1,874 bagong kaso ang nadagdag sa talaan ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules ng hapon.

Sa Case Bulletin No. 137, umakyat na ang kabuuang kaso sa 85,486 nang maidagdag ang mga bagong kaso. Matatandaan na inihayag ng Malakanyang na posibleng ibalik ang ‘modified enhanced community quarantine’ kamakailan kapag umakyat ang kaso ng COVID-19 sa 85,000 sa pagtatapos ng Hulyo.

Sa mga bagong kaso, pinakamataas pa rin ang mula sa National Capital Region (NCR) na may 728, kasunod ang Cebu na may 325, Laguna na may 130, Iloilo na may 67 at Rizal na may 53.

Nasa 56,528 ang kasalukuyang aktibong kaso kung saan 90.1 porsyento ang mild cases, 90.1% ang asymptomatic, 0.5% ang severe at 0.4% ang kritikal.

May 388 pasyente ang gumaling para umakyat ang recoveries sa 26,996 habang 16 na pasyente ang nasawi para madagdagan ang death toll sa 1,962.

Nasa ‘danger zone’ na umano ang mga higaan para sa COVID patients sa mga pagamutan kung saan 26% ng ICU beds, 18% ng isolation beds at 14% ng ward beds ang bakante habang 55% ng mga ventilators ang maaari pang magamit.

Leave a Reply

%d bloggers like this: