Bayanihan 2 Bill, mini stimulus package lang

Bayanihan 2 Bill, mini stimulus package lang

BINIGYANG-DIIN ni Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara na mini stimulus package lamang para sa Covid 19 ang inaprubahan nilang bersyon ng Bayanihan to recover as one act.

Ipinaliwanga ni Angara na tulad ng napag-usapan nila sa Department of Finance (DOF) at iba pang economic managers, magkakaroon pa ng ibang stimulus package ang gobyerno upang suportahan ang mga hakbang sa pakikipaglaban sa Covid 19.

Inilabas ni Angara ang paliwanag kasunod ng babala ni House Assistant Minority Leader Stella Quimbo na ang piecemeal set ng stimulus packages ay hindi magiging epektibo sa paglaban sa Covid 19.

Sinabi ni Angara na habang pinag-aaralan ang mas malaking halaga ng stimulus package, dapat munang magpasa ng batas na tiyak na mapopondohan.

“An unfunded mandate would be a shame. This is a matter of what is doable. We also need to be realistic in our expectation, and I doubt it (Bayanihan 2) will go over P200 billion,” diin ni Angara.

Batay sa inaprubahang Bayanihan 2 ng Senado, maglalaan ng P50 billion sa tulong sa micro, small and medium enterprises, P32 billion sa cash-for-work program at unemployment assistance, tig-P17 billion sa transportation at agriculture sector, P10 billion sa tourism, P4 billion sa smart campuses at Technical Educations and Skills Development Authority training.

Leave a Reply

%d bloggers like this: