Masayang Pasko sa Disyembre, posible

Masayang Pasko sa Disyembre, posible

SA KABILA ng pandemya, isang masayang Pasko pa rin ang pwedeng sumalubong sa mga Pinoy sa Disyembre, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Inamin ni BSP Governor Benjamin Diokno na ang pagdausdos sa ekonomiya ng bansa sa ikalawang quarter ng taon ang pinakamalalang nilang kinaharap ngunit nakikita niya na magkakaroon na ng pag-ahon ang ekonomiya sa mga susunod na quarters hanggang mag-Disyembre.

“What I can see is if the contraction is single digit, that’s really nice, very nice. If it’s between 10 to 15 (percent) that’s still tolerable, but anything that is higher than 20 (percent), that could be problematic,” ayon kay Diokno sa isang virtual press conference.

Tumigil ang takbo ng ekonomiye noong Marso hanggang Mayo nang ilagay ang Metro Manila at iba pang lugar na apektado ng COVID-19 pandemic sa lockdown.

“The third quarter will be better than the second quarter and the fourth quarter will be much much better than the third quarter so we will probably have a very nice Christmas,” saad ni Diokno.

Leave a Reply

%d bloggers like this: