Mga kumpanya, maaaring lumusot sa pagbabayad ng holiday pay

Mga kumpanya, maaaring lumusot sa pagbabayad ng holiday pay

PASOK na rin sa tinatawag na new normal ang holiday pay sa mga manggagawa.

Ito ay makaraang ipaalala ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maaaring hindi bayaran ng mga kumpanya ang holiday pay hangga’t hindi pa nakababalik sa normal ang operasyon ng mga negosyo.

Sa kabila nito, naglabas ang DOLE ng paalala hinggil sa pagpapasahod sa Eid’l Adha, isang regular holiday na ipagdiriwang bukas, July 31.

Alinsunod sa Labor Advisory No. 25, Series of 2020, ang mga empleyado na papasok sa regular holiday ay pagkakalooban ng 200% ng kanilang regular salary para walong oras nilang pagta-trabaho.

Kung nag-overtime ang isang empleyado, makatatanggap pa ito ng dagdag na 30% ng kanyang hourly rate.

Ang mga empleyado naman na hindi magta-trabaho sa panahon ng holiday ay tatanggap pa rin ng 100% ng kanilang sahod.

Kung tumapat naman na rest day ng empleyado ang holiday subalit nagtrabaho pa rin ay tatanggap siya ng dagdag na 30% sa kanyang 200% na basic wage.

Leave a Reply

%d bloggers like this: