Apat na supplier ng bakuna sa COVID, kausap na ng DOH

Apat na supplier ng bakuna sa COVID, kausap na ng DOH

HINDI lang isa kundi apat umano na internasyunal na manufacturers ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang kausap ng Department of Health (DOH) para magsuplay nito sa Pilipinas.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa apat na manufacturer na ito, tatlo ang nakabase sa China at isa naman ang sa Chinese Taipei.

“May iba pang kausap na mga manufacturer. Sa apat, tatlo ang galing sa China at isa sa Chinese Taipei. Meron din silang mga bakuna na ino-offer so ‘yun ang meron tayo,” ayon kay Vergeire.

Sa kung papaano ang sistema naman sa prayoritisasyon ng babakunahan, iginiit ng DOH na nararapat magkaroon ng masinsinang pag-uusap ukol dito ang mga ahensya ng at lider ng pamahalaan para sa proseso.

Nanawagan rin si Vergeire sa mga nakakaramdam ng ng sintomas ng COVID-19 na gawing prayoridad ang pagtungo sa mga ‘primary healthcare facility’ tulad ng mga pagamutan na una na nilang tinukoy katulad ng Philippine General Hospital, San Lazaro Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez Mememorial Hospital at mga barangay health centers kaysa sa mga pribadong pagamutan.

“Huwag agad pumutan sa mga ospital , pipila pa sa mga triage area na napakatagal,” ani Vergeire.

Sa primary healthcare facility, aalamin muna ng mga doktor kung kailangang i-swab test ang isang pasyente saka sila papupuntahin sa ibang pagamutan na nagbibigay nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: