Misa sa Maynila suspendido muna

Misa sa Maynila suspendido muna

SUSPENDIDO muna ang mga religious activity kasama na ang pagdaraos ng banal na misa sa mga simbahan na sakop ng Manila Archdiocese bilang tugon sa panawagan ng mga medical frontliners.

Dito muling ipatutupad ng Manila Archdiocese ang mga protocols sa ilalim ng ‘enhanced community quarantine (ECQ)’ sa mga simbahan na sakop nila sa loob ng dalawang linggo.

“As a response to the call of our medical people, all the churches and shrines in the Archdiocese of Manila will revert to the period of the ECQ protocols,” ayon kay Manila Archdiocese administrator Bishop Broderick Pabillo.

Hindi muna magsasagawa ng anumang pampublikong ‘religious activities’ ang archdiocese mula Agosto 3 hanggang Agosto 14 ngunit patuloy pa rin ang kanilang online na mga aktibidad.

Naiintindihan umano ng simbahan ang pagod at pagbaba ng moral ng mga medical frontliners dahil sa patuloy na pagtaas ng mga nahahawa ng virus dahilan ng sobrang trabaho sa mga pagamutan.

“We share the compassion of the medical front liners for the many sick people being brought to our hospitals. We have witnessed their dedicated service to those who come to them. Many among them are tired and even discouraged by their heavy responsibilities. So we support their appeal for a ‘time out,’” paliwanag ni Pabillo.

Gagamitin rin ng simbahan ang dalawang linggo sa ebalwasyon ng kanilang mga aktibidad ukol sa pandemya at kung paano pa ito mapapabuti.

Nanawagan rin ang simbahan sa publiko na seryosohin ang panawagan ng mga medical frontliners na sumunod sa mga health protocols lalo na ang simpleng pagsusuot ng face masks, physical distancing kapag nasa labas at pampublikong lugar, palagiang paghuhugas ng kamay at pananatili sa bahay lalo na kung hindi naman kinakailangan ang paglabas.

Leave a Reply

%d bloggers like this: