P200 Milyon inilaan ni Yorme Isko para sa bakuna sa COVID

P200 Milyon inilaan ni Yorme Isko para sa bakuna sa COVID

UPANG hindi mapag-iwanan, nagsubi na si Manila City Mayor Isko Moreno ng P200 milyong pondo buhat sa kanilang 2021 budget para pambili ng bakuna kontra sa coronavirus disease (COVID-19).

Hiniling na ito ni Manila Mayor Isko Moreno sa Manila City Council sa pangunguna ni Vice-Mayor Honey Lacuna para makatiyak na may magagamit silang pambili ng bakuna sa oras na may maaprubahan na.

“In preparation for the end game of this crisis, I have asked VM Honey Lacuna and the City Council, na magtabi po, top appropriate P200 million sa 2021 budget na gagamitin bilang pambili ng COVID-19 vaccine,” ayon kay Moreno.

Ginawa umano ito para makatiyak na agad na maseserbisyuhan ang mga taga-Maynila at tuluyang mapuksa ang virus sa kapitolyo ng Pilipinas.

“In case po na mayroon na, handa na po ang Lungsod ng Maynila,” pagtitiyak pa ng alkalde.

Handa umano ang konseho na magpasa ng ordinansa para sa pagpapalabas ng naturang pondo sa oras na kailanganin na.

Nakipag-ugnayan na rin si Moreno sa mga malalaking internasyunal na pharmaceutical companies na nagsasagawa ng pananaliksik sa bakuna

Leave a Reply

%d bloggers like this: