P4.506 trilyong 2021 budget, aprub na kay Pangulong Duterte

P4.506 trilyong 2021 budget, aprub na kay Pangulong Duterte

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalawang P4.506-trillion national budget para sa susunod na taon.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ginawa ang approval sa special meeting kasama ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) noong July 30.

Tiniyak ng DBM na ang panukalang budget ay nakapokus sa mga programa ng gobyerno laban sa Covid 19 at pagpapalakas ng healthcare systems, food security, paghikayat ng mas maraming investments sa public at digital infrastructure.

Nangako rin ang ahensya na ang bawat piso sa panukalang budget ay dumaan sa pagsusuri at konsultasyon sa bawat ahensya.

Matapos ang approval ng Pangulo sa panukalang budget, isasapinal na ng DBM ang 2021 National Expenditure Program (NEP) at isusumite sa Kongreso.

Leave a Reply

%d bloggers like this: