Pagpapataw ng parusang kamatayan, nasa bibliya

Pagpapataw ng parusang kamatayan, nasa bibliya

BINIGYANG-DIIN ni Senador Manny “Pacman” Pacquiao na hindi labag sa kautusan ng Diyos ang pagpapataw ng capital punishment o death penalty.

Katunayan, nakasaad anya sa bibliya ang kapangyarihan ng gobyerno na magpatupad ng mga parusa sa mga taong nagkakasala.

Ginawa ni Pacquiao, isang Born Again Christian, ang pahayag bilang pagdipensa sa kanyang isinusulong na panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan sa high level drug trafficker.

“Tama ‘yung sinasabi sa Bible na ‘Thou shall not kill,’ kung nagkasala ka sa akin pero wala akong karapatan na patayin kita, at kung nagkasala ako sayo, wala kang karapatan na patayin ako,” saad ni Pacquiao.

“Pero may batas, may authority na puwede kitang isumbong kung ano ang magiging parusa mo sa crime na ginawa mo,” dagdag ng Pambansang Kamao.

“So maliwanag ‘yan sa Bible. Wala tayong karapatan para pumatay ng kapwa na nagkasala, pero there’s (governing) authority. Lahat tayo bound to authority,” diin pa nito.

Naniniwala rin si Pacquiao na sa kabila ng pandemic ay kailangan nang isulong ang panukala dahil sinasamantala rin anya ng sindikato ng droga ang pandemya at nagpapatuloy sa kanilang operasyon.

“Masakit sa loob ko na ang tao naghihirap tapos laganap pa rin ang droga,” dagdag pa ng senador.

Leave a Reply

%d bloggers like this: