3 testigo sa Philhealth irregularities, haharap sa Senado

3 testigo sa Philhealth irregularities, haharap sa Senado

KINUMPIRMA ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na tatlong dati at kasalukuyang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang tetestigo hinggil sa mga iregularidad sa ahensya.

Pinangalanan ni Lacson sina PhilHealth board member Alejandro Cabading, Estrobal Laborte, dating executive assistant ni PhilHealth chief Ricardo Morales, at ang nagresign na na anti-fraud legal officer na si Atty. Thorrsson Montes Keith bilang testigo sa pagdinig ng Senado na sisimulan ngayong araw na ito (August 4).

“Itong tatlong witnesses, they have a lot to say about the anomalies in PhilHealth.. major issues na IRM (Interim Reimbursement Mechanism), financial statement, at saka ‘yung procurement ng ICT equipment,” saad ni Lacson.

“Si Board member Cabading ito ‘yung naka-shouting match during the webinar,” paliwanag pa nito.

Matatandaang sa resignation letter ni Keith, tinukoy na isa sa dahilan ng kanyang pagbibitiw ang “massive corruption” sa PhilHealth.

Una nang sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang dalawang linggong lockdown sa Senado ay hindi makakaapekto sa Senate hearing hinggil sa Philhealth.

Inaasahan din sa pagdinig si Morales, Executive Vice President at Chief Operating Officer Arnel De Jesus, mga senior vice president at iba pang opisyal nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: