70K kaso ng COVID-19 maiiwasan dahil sa MECQ- UP

70K kaso ng COVID-19 maiiwasan dahil sa MECQ- UP

MAKAKABUTI umano ang idineklarang ‘modified enhanced community quarantine (MECQ)’ ng pamahalaan dahil sa mababawasan ng mula 50,000 hanggang 70,000 ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa pagtatapos ng Agosto, ayon sa mga eksperto sa University of the Philippines (UP.

Sinabi ni Professor Ranjit Rye ng UP OCTA research team na maaaring mabawasan ng hanggang 70,000 ang tantiya nilang 220,000 kaso ng COVID-19 sa katapusan ng buwan dahil sa MECQ.

Malaking bagay umano ang MECQ dahil sa mapapabagal ang transmisyon ng virus lalo na kung sasabayan ng mas maigting na mass testing, contact tracing at puspusang paggamot sa mga may impeksyon.

“Doon pa lang ho malaki na ang impact sa R (reproduction number), na kung paiigtingin pa yung T3 (testing, tracing, treatment) at sasamahan ng matinding kooperasyon ng private sector at civil society, walang kaduda-duda, in 15 days, babagsak ‘to to one,” ayon kay Rye.

Sa kanilang forecast nitong Hulyo 31, maaaring umabot sa 150,000 ang kaso ng COVID na may 3,000 nasawi kung magiging mahigpit ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga protocols ngunit maaring umabot sa 220,000 sa ilalim ng ‘general community quarantine (GCQ)’.

Leave a Reply

%d bloggers like this: