Aksyon ng gobyerno laban sa Covid 19, bubusisiin ng Senado

Aksyon ng gobyerno laban sa Covid 19, bubusisiin ng Senado

NAIS ni Senador Richard Gordon na nag-convene ng Senado bilang Committee of the whole upang busisiin ang tunay na kalagayan ng health system ng bansa sa gitna ng Covid 19 pandemic.

Sa kanyang Senate Resolution 483, iginiit ni Gordon na sa kabila ng pagpapatupad ng pinakamahabang lockdown, hirap na hirap pa rin ang bansa sa paglaban sa Covid 19.

Sinabi ni Gordon sa kanyang resolusyon na dahil sa lockdown, nasa P1.1 trilyong kita ang nawala sa bansa habang nasagad na anya sa limit ang health care system ng bansa.

Katunayan, halos puno na anya ang mga pagamutan, gayundin ang mga isolation facilities sa bansa.

Inilarawan na rin anya ang Philippine College of Physicians bilang “losing battle” ang sitwasyon at humiling na ibalik sa Enhanced Community Quarantine ang ilang lugar sa bansa upang sila ay makahinga.

Iginiit ni Gordon na panahon nang magsagawa ng assessment sa health situation sa bansa upang makabuo ng mga bagong istratehiya para sa paglaban sa virus at makabangon ang ekonomiya.

Nais din ng senador na magsumite ang lahat ng ahensya ng pamahalaan ng kanilang mga report hinggil sa mga hakbangin sa pakikipaglaban sa Covid 19.

Leave a Reply

%d bloggers like this: