Duque, may magic potion kay PRRD?

Duque, may magic potion kay PRRD?

NAGDUDUDA si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa kung anong klaseng magic potion o “amulet” ang gamit ni Health Secretary Francisco Duque III upang patuloy na pagkatiwalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng mga kapalpakan nito.

“I couldn’t understand what “amulet” or magic potion Duque has as far as the President is concerned,” saad ni Lacson.

Ipinaalala ni Lacson na hindi lamang siya ang kontra sa desisyon ni Pangulong Duterte na hayaan pa ring manatili sa pwesto si Duque.

Sinabi ni Lacson na 14 na senador ang una nang nanawagan para sa resignation ni Duque at naniniwala siyang hindi nagbabago ang numero.

Bukod anya sa mga senador, marami na rin sa DOH at sa medical community ang nagnanais nang magbitiw ang kalihim at agad itong mapalitan.

Iginiit ni Lacson na ang kabiguan lamang ni Duque sa simpleng contact tracing sa mga pasahero na nakasama ng unang nagpositibo sa Covid 19 sa bansa ay isa nang patunay ng kapalpakan ng kalihim.

At dahil sa mga kapalpakan ni Duque, sinabi ni Lacson kaya nararanasan ng bansa ang kabiguan sa paglaban sa Covid 19.

Leave a Reply

%d bloggers like this: