Senado, ‘lockdown’ sa loob ng 15 araw

Senado, ‘lockdown’ sa loob ng 15 araw

NAGKASUNDO ang mga senador na tumugon sa panawagan ng mga medical frontliner na bigyan sila ng timeout.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, wala munang sesyon sa Senado mula August 4 hanggang August 18.

Babalik ang sesyon ng Mataas na Kapulungan sa August 19 subalit nilinaw na maaari rin silang magbalik-sesyon ng mas maaga kung kinakailangan.

“This motion is in support and heeding the call of the medical frontliners. Do I hear any objection? Hearing none, the session is suspended until 3 o’clock in the afternoon of August 19, 2020 without prejudice to a possible earlier resumption,” pahayag ni Sotto bilang pagsuspinde sa sesyon.

Sa kabilang dako, hindi apektado ng lockdown ang mga pagdinig ng mga kumite na isasagawa virtually o sa pamamagitan ng videoconferencing.

Nangangahulugan ito na tuloy ang pagdinig ng Senado bilang Committee of the Whole sa sinasabing mga iregularidad sa Philhealth.

Habang nasa ilalim ng lockdown, skeletal force lamang ng Senado ang papayagang pumasok sa gusali kabilang na ang mga tauhan ng Office Senate Sgt. at Arms.

Leave a Reply

%d bloggers like this: