Sorry, wala uling dine-in sa restos, fastfoods

Sorry, wala uling dine-in sa restos, fastfoods

KUNG nais na gumala at kumain sa mga fastfood at restoran, hindi ninyo muna ito magagawa dahil sa sarado muli ang mga negosyo tulad ng mga dine-in restaurants, salons, at maging mga gymnasiums dahil sa ipinatutupad na ‘modified enhanced community quarantine’, paalala ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sa pahayag ng DTI, pinaalalahanan ang mga negosyo na samantalahin ang 15-araw na pagsasara para maisaayos pa ang kanilang mga pasilidad at sistema sa contact tracing bago hayaang muling magbukas.

“We hope that this break will allow these businesses to sufficiently prepare for better processes and facilities for compliance to the health standards when they soon reopen,” ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.

Kabilang sa mga negosyo na isasara sa ilalim ng MECQ ang: mga barberya at salons; gym/fitness studios at sports facilities; testing/tutorial centers; internet cafes; drive-in cinemas; pet grooming services; languange, driving, dance/acting/voice schools; mga tradisyunal na sinehan; mga silid-aklatan, museums, at cultural centers.

Apektado rin nito ang mga tourist destinations, travel agencies, tour operators, reservation services at iba pa. Sarado rin muna ang mga sabungan, beerhouses, at mga amusement centers.

Leave a Reply

%d bloggers like this: