Miyembro ng Mafia sa Philhealth, tinukoy

Miyembro ng Mafia sa Philhealth, tinukoy

KINUMPIRMA na ang buong executive committee ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang sinasabing miyembro ng “in-house mafia or syndicate” sa ahensya.

Ginawa ni Atty. Thorrsson Montes Keith, ang nagbitiw na PhilHealth anti-fraud officer ang kumpirmasyon sa pagharap sa Senate Committee of the Whole sa imbestigasyon hinggil sa mga alegasyon ng katiwalian sa ahensya.

Sa pagtatanong ni Senate President Vicente Sotto, presiding officer ng Committee, kung sino ang mga miyembro ng mafia, sinabi ni Keith “lahat sa Execom members”.

Sa hiwalay namang pagtatanong ni Senador Bong Go, pinangalanan ni Philhealth Board member Alejandro Cabading, CPA Expert Panel Member, ang mga sangkot sa katiwalian na sina Philhealth Senior Vice President Rodolfo del Rosario, Senior Vice President Renato Limsiaco Jr. at Senior Vice President Dennis Mas.

Itinanggi naman ng mga pinangalanan ang alegasyon laban sa kanila at iginiit na ilalabas ang iba pang mga datos ng tunay na dahilan ng problema sa Philhealth sa isang executive session kung pagbibigyan ng kumite.

Maging si Philhealth President Ricardo Morales ay nanindigan na hindi siya naniniwala sa pahayag ni Cabading at iginiit nais lamang nitong maghiganti sa mga opisyal ng ahensya dahil may proyekto siyang isinusulong

Leave a Reply

%d bloggers like this: