Rapid tests nakatulong pa sa pagkalat ng COVID-19?

Rapid tests nakatulong pa sa pagkalat ng COVID-19?

SA halip na makalaban, mas nakatulong pa umano ang rapid testing kits sa pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ng isang grupo ng mga medical healthworkers ukol sa paggamit ng COVID-10 rapid anti-body tests sa screening ng mga nagbabalik na manggagawa.

Sinabi ni Dr. Antonio Dans, ng Philippine Society of General Internal Medicine, na inirerekomenda ng mga doktor na huwag nang gamitin ang mga rapid anti-body testing kits dahil sa nagbibigay lamang ito ng maling ‘sense of security’ sa mga isinailalim dito at nag-negatibo.

Ito ay dahil sa hindi natutukoy ng test ang aktuwal na virus habang ang nakikita lamang ay ang anti-bodies. Kung bago lamang nahawa ang isang tao, hindi pa siya agad makaka-debelop ng anti-bodies kaya magnenegatibo siya sa rapid test.

“Iyong rapid test, hindi naman niya nakikita ang virus kasi ang nakikita niyan, antibodies. Ang nangyayari, iyong mga nag -negative sa rapid test, sila yung kumakalat sa lipunan. Eh ganoon lumalaganap ang COVID-19 e kasi nga, ‘negative’ sila,” ayon kay Dans.

Nakadagdag pa umano ang pagdami ng kaso ng COVID-19 dahil sa ginamit ang rapid test ng mga kumpanya bilang screening sa kanilang mga empleyado.

Sa halip na rapid test, mas dapat umanong gamitin ang RT-PCR tests na mismong ang virus ang tinutukoy at mas dapat ring magbantay sa sintomas sa bawat indibidwal.

Leave a Reply

%d bloggers like this: