DOH at LGUs, magbabahay-bahay sa may sintomas ng Covid 19

DOH at LGUs, magbabahay-bahay sa may sintomas ng Covid 19

MAGBABAHAY-BAHAY ng Department of Health (DOH) at mga tauhan ng lokal na pamahaalan sa ilang barangay upang matukoy ang mga indibidwal na may sintomas ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, target ng programa ang ilang barangay sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.

Bahagi anya ito ng recalibration ng kanilang mga istratehiya na ipatutupad ngayong ibinalik sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila at ilang lalawigan.

“One of the strategies that we are now employing would be the coordinated operations to defeat epidemic or the CODE strategy where we are going down to the local government units,” saad ng opisyal.

“We are going to adopt the Rabi model which was adopted from Mumbai where they did house-to-house and they were able to identify all symptomatic, they were able to test them and even their contacts, and somehow they were able to contain the transmission,” dagdag nito.

Sinabi ni Vergeire na may mga natukoy na silang “priority barangays” sa Metro Manila at Calabarzon kung saan ang house-to-house visits ay isasagawa nila sa susunod na dalawang linggo.

“This model will be adopted and we are going to start that in Metro Manila and Region 4A, where different officials will be going down together with the local health officials so that we will be able to identify symptomatic in the barangays, in the communities and we will be able to isolate, we will be able to test,” paliwanag pa ng opisyal.

Leave a Reply

%d bloggers like this: