Paglantad ng pangalan ng mga COVID positive, tinanggihan

Paglantad ng pangalan ng mga COVID positive, tinanggihan

SUPALPAL ang panukala ni Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor na ilantad ang pangalan ng mga COVID-19 positives nang igiit ng Department of Health (DOH) na labag ito sa Data Privacy Act.

Iginiit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeige na hindi ito maaari dahil sa ipinatutupad na ‘data privacy law’ sa bansa. May mga ipinasa rin ang mga lokal na pamahalaan na mga ordinansa kaugnay dito na layon na hindi mapahiya ang mga pasyente at kanilang mga kaanak.

Aminado naman si Vergeire na may batas sa ‘notifiable disease’ ngunit mas makakapangyari umano ang Data Privacy Act.

“We cannot just do that,” ayon kay Vergeire. “Even though we have the law on the notifiable diseases, we have the data privacy law here in the country and we will be violating some of the provisions of this law if we do that,” dagdag niya.

Sa panukala ni Defensor, kailangang makilala umano ang mga pasyente ng COVID-19 hindi umanong hamakin o pahiyain sila ngunit para makatulong sa pagtukoy sa mga may nakasalamuha nila.

Sa halip na ilathala, ang ginagawa umano ng DOH ay ibigay ang mga datos ng mga pasyente sa mga contact tracers para sa ginagawa nilang contact tracing at maihiwalay sa publiko ang mga dinapuan ng sakit o hinihinalang may taglay ng virus.

Leave a Reply

%d bloggers like this: