Pilipinas ginawang tapunan ng basura ng South Korea

Pilipinas ginawang tapunan ng basura ng South Korea

IBINALIK sa South Korea ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang 6,000 toneladang mga basura na tinangkang itapon dito sa Pilipinas.

Nabatid na umaabot sa 251 container ng Korean waste ang inumpisahang ibalik sa naturang bansa noon pang Enero ngunit nabinbin ito dahil sa pagtama ng pandemya. Nitong Agosto 4, ibiniyahe pabalik sa Pyeongtaek City, South Korea ang nalalabing 80 container.

Ito ay makaraang matuklasan ng Environmental Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Region X, na mga ‘household waste’ ang laman ng mga container nang isailalim nila sa inspeksyon.

Tinangkang ipalusot ito sa Pilipinas ng Verde Soko Philippines Industrial Corporation nang ideklarang mga ‘plastic synthetic flakes’.

Ipinag-utos ang re-exporation ng mga basura ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guevarra sa ilalim ng Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act), Republic Act 6969 (Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act), at ng Basel Convention on the Control of Transboundary Movements of Hazardous Wastes and Their Disposal.

Ang pagpapabalik ng basura ay mensahe umano sa ibang bansa na hindi tapuann ng kanilang basura ang Pilipinas.

Leave a Reply

%d bloggers like this: