Senado, pinakikilos laban sa pag-abuso sa implementasyon ng quarantine protocols

Senado, pinakikilos laban sa pag-abuso sa implementasyon ng quarantine protocols

PINAKIKILOS ni Senador Risa Hontiveros ang Senado para magsagawa ng pagsisiyasat kaugnay sa mga kaso ng pag-abuso ng ilang opisyal ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng community quarantine protocols.

Inihalimbawa nito si Quezon City Task Force Disiplina head Ranulfo “Rannie” Ludovica na nagbanta na papatayin ang mga lalabag sa quarantine rules.

Sa kanyang Senate Resolution No. 489, nais ni Hontiveros na siyasatin ng Senate Committee on Local Government ang aksyon ni Ludovica, gayundin ang ilan pang mga kaso ng pag-abuso, karahasan at iligal na gawain ng mga lokal na opisyal sa panahon ng pandemya.

Noong August 3, 2020, ipinost ni Ludovica sa kanyang social media na “Mula bukas, shoot to kill na ang lalabag sa modified enhanced community quarantine (MECQ)”.

“Bakit pagpatay ang sagot sa isang health crisis? Our people are already suffering, and statements like that do not inspire confidence in our local leaders. I urge the Quezon City government to consider replacing Mr. Ludovica with someone who can actually help save, not harm, local residents,” diin ni Hontiveros.

Binigyang-diin pa ni Hontiveros sa kanyang resolusyon na hindi ito ang unang pagkakataon na napuna ang QC Task Force Displina na pinamumunuan ni Ludovica.

May mga ulat na rin anya ng pananakit at pagkulong sa isang a fish vendor ng mga miyembro ng task force noong Abril dahil sa hindi pagsusuot ng mask.

May mga ulat din anya ng pagkulong sa mga violator sa dog cages, pagbibilad sa kanila sa araw, o ang iba ay nakararanas pa ng torture at sexual violence.

Ipinaalala ni Hontiveros na paglabag ito sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act 6713).

“Paalala lang po, virus ang kalaban natin, hindi taumbayan. Punitive and militarized responses to a public health pandemic will serve no purpose but to further punish the already suffering,” dagdag pa ng senador.

Leave a Reply

%d bloggers like this: