Food delivery rider na, drug pusher pa

Food delivery rider na, drug pusher pa

BUKOD sa pagkain, nagde-deliver rin ng marijuana ang dalawang lalaki na kapwa mga food delivery rider na parehong nadakip sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Malate, Maynila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nadakip na sina Ruff Anthony Ricana, 22, binata, Food Panda rider, at nakatira sa No. 1117 C. Zapanta Street, Singalong, Malate at si Hector Armada Jr., 24, Grab Food rider at nakatira sa No. 2225 Singalong Street, Brgy. 724 Malate, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Malate Police Station 9, naganap ang operasyon ng kanilang Drug Enforcement Unit dakong alas-4:45 ng hapon sa Esguerra Street, sa Brgy. 733 Singalong, Maynila.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer ng droga na kinagat naman ng dalawang suspek. Hindi na nakapalag ang dalawa nang palibutan sila ng mga pulis matapos na magkabentahan ng droga.

Nakumpiska sa kanial ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng nasa 80 hanggang85 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P10,2000, isang sling bag at dalawang P100 marked money.

Leave a Reply

%d bloggers like this: