Pinas, dapat maghanda rin sa mga bagyo

Pinas, dapat maghanda rin sa mga bagyo

KINALAMPAG ni Senador Ralph Recto ang pamahalaan na pagtuunan din ng pansin ang paghahanda sa mga parating na bagyo sa gitna ng pagiging abala ng buong bansa sa pakikipaglaban sa Covid 19.

Nagbabala ang senador na posible ring maging panibagong dahilan ng malawakang infection kung magkakaroon ng siksikan sa mga evacuation center kung may panibagong kalamidad na tatama sa bansa.

“Kung ang COVID-19 ay isang unos, may mga bagyo pang parating,” saad ni Recto.

“Kaya importante ang checklist of targets for the next two weeks, or up to the end of the month. Ano ba ang countable deliverables? Gaano kalaki ang dapat itaas sa bilang ng testing? Para alam natin ang before and after. Pag klaro yan, a united people will work so that these can be attained,” diin pa ng senador.

Sa ngayon anyang puno ang mga ospital at evacuation centers at ginagamit ding quarantine facility ang mga paaralan, walang espasyo ngayon para sa mga biktim ng iba pang kalamidad.

Ngayon pa lamang anya ay dapat nang magplano ang national at local government units para sa pag-iimbak ng pagkain lalo na ng bigas.

Nanawagan din ito sa DSWD na ipagpatuloy ang prepositioning ng mga relief goods para sa mabilisang deployment kung kinakailangan.

Ipinaalala ni Recto na batay sa datos mula 2004 hanggang 2014, 14,150 ang nasawi sa pananalasa ng mga bagyo habang 46,691 ang nasugatan at 4,169 ang nawawala.

Leave a Reply

%d bloggers like this: