Testing kits sa Maynila, mabisa daw di tulad ng Rapid test kits

Testing kits sa Maynila, mabisa daw di tulad ng Rapid test kits

MAKARAANG sabihin ng mga grupo ng medical healthcare workers na posibleng nakakasama ang paggamit ng COVId-19 rapid testing kits, tiniyak ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na epektibo ang serolology testing na gamit nila sa iba’t ibang barangay sa Maynila.

Sa isang radio interview,, inilahad ni Domagoso na ang Abbott Serology Testing Machines na ginagamit ngayon sa Maynila ay mayroong accuracy rate na umaabot sa 99.6-percent specificity and 100-percent sensitivity.

Nakakatulong din ito sa mabisang contact tracing at surveillance ng COVID-19 cases sa mga komunidad na siya ring ginagamit sa ibang bansa, dagdag ng alkalde.

Natutukoy din sa serology testing ang iba pang sakit ng isang indibidwal gaya ng HIV, cancer, hepatitis at tuberculosis, aniya.

“Abbott developed a reagent for COVID-19 Igg antibody. Ngayon ginagamit natin ‘yan. So para maging cost efficient ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila, i-tetest namin siya diyan, pag nag-positive siya, at least alam niya kaagad, mayroon na agad next medical protocol na dapat niyang gawin at ipagawa sa kaniya. Kung may symptoms na siya then we can confirm,” ayon kay Domagoso.

“Ito rin yung machine na naghahanap ng kung ika’y positibo rin sa HIV, o yung cancer level mo, hepatitis and so on and so forth. Ang kagandahan ng makina, wala na siyang mabibigay na false hope,” sinabi ng alkalde.

Nilinaw din ni Domagoso na hindi rapid testing ang ginagamit sa drive thru testing centers sa Maynila sapagkat mas mataas ang accuracy ng serology test kumpara sa rapid tests.

“The City of Manila acquired a machine (for) Serology Antibody Laboratory Testing. This has an accuracy rate of 99.6-percent specificity and 100-percent sensitivity,” ayon kay Domagoso.

Maliban dito, nagsasagawa pa rin ang Pamahalaang Lungsod ng swab testing para sa mga Manileño.

“We continue to follow the guidelines of Department of Health, which (includes) swab testing, tuloy-tuloy pa rin yun,” sinabi ng alkalde.

Tinatayang nasa P20 million naman ang natanggap na donasyon ng Pamahalaang Lungsod mula sa iba’t ibang sektor na gagamitin sa lalong pagtitiyak sa kaligtasan ng mga Manileño laban sa COVID-19.

Samantala, patuloy ang pag-iikot ng Mobile Serology Testing Clinics sa gitna ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) bilang bahagi ng tuloy-tuloy na accessible, efficient at free for all na COVID-19 mass testing sa Maynila.

Leave a Reply

%d bloggers like this: