Clinical trial ng Japanese anti-viral flu drug, sisimulan na sa Pinas

Clinical trial ng Japanese anti-viral flu drug, sisimulan na sa Pinas

KINUMPIRMA ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sisimulan nila sa August 10 ang clinical trials ng Japanese anti-viral flu drug na Avigan.

Sinabi ni Vergeire na all set na para sa clinical trial makaraang matanggap na ng Pilipinas ang 199,000 Avigan tablets mula sa Japan.

“We have identified site na hospital kung saan gagamitin ito. We will already start on August 10 for this Avigan trial so abangan na lang po natin, nandito na naman po ‘yung mga gamot,” saad ni Vergeire.

Ang Avigan na brand name ng gamot na favipiravir ay ginawa ng Fujifilm Toyama Chemical at inaprubahan na gamitin sa Japan noong 2014.

Gayunman sa Japan, aprubado lamang ang paggamit nito sa mga flu outbreaks na walang epektibong medikasyon at hindi ito available sa merkado the market bagkus direkta itong ginagawa at dinidistribute batay sa request ng Japanese government.

Nilinaw din ni Vergeire na hindi na kailangan ng approval ng Food and Drug Administration (FDA) para sa gamot dahil aprubado na ito ng Japanese health authorities.

“Avigan has been approved by FDA for long kasi ginagamit na ho talaga iyan sa flu, so ‘yan naman ay meron na. Hindi po ng FDA natin but FDA ng Japan,” diin ng opisyal.

“Kaya pagpasok dito wala na ho tayo masyadong regulatory processes na mangyayari because it’s been approved,” dagdag nito.

Batay sa pahayag ng Japanese Embassy, susubukan ang Avigan tablets sa 100 pasyente sa Pilipinas at ang donasyon ay bahagi ng kanilang emergency grant aid sa mga bansang apektado ng COVID-19.

Leave a Reply

%d bloggers like this: