DOH walang pipiliin kung sino ang mamamatay o mabubuhay

DOH walang pipiliin kung sino ang mamamatay o mabubuhay

Walang pipiling mamamatay o mabubuhay.

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na hindi mangyayari sa Pilipinas ang senaryo na darating ang punto na mapipilitan ang mga medical workers na mamili sa mga pasyente kugn sino ang dapat mabuhay at ang masawi dahil sa gagawin umano ang lahat ng paraan para maserbisyuhan ang lahat.

Ito ang pagtitiyak ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kahapon nang tanungin siya sa virtual forum ukol sa nangyayari umano sa ibang mga bansa na matitindi ang kaso ng COVID-19.

“I don’t think so. That would never happen. Lahat ng pasyente na dadating sa ospital kahit gaano man kapuno iyan gagawan ng paraan ng gobyerno para sila ay ma-manage natin,” ayon kay Vergeire.

Sinabi niya na kung mapupuno na ang lahat ng pagamutan sa Metro Manila ay maaari namang rumesponde at tumulong ang mga healthcare workers at mga pagamutan sa mga karatig na rehiyon.

“Kung tayo man ay mapupuno dito sa Metro Manila, nakahanda na ang mga karatig na regions natin to accommodate our patients,” giit ni Vergeire.

Leave a Reply

%d bloggers like this: