East Avenue Medical Center, gagawing Covid 19 hospital

East Avenue Medical Center, gagawing Covid 19 hospital

Iko-convert na bilang ospital para sa Covid 19 patients ang East Avenue Medical Center sa Quezon City sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng virus sa bansa.

Ito, ayon kay National Task Force COVID-19 Spokesperson military Brig. Gen. Restituto Padilla, ay makaraang maideklara na sa “danger level” ang mga pagamutan sa Metro Manila kung saan 74% na ang occupancy rate.

“Ang instruction po ay ASAP dito… Gagawin na pong dedicated COVID hospital ang East Avenue Medical Center,” saad ni Padilla.

Sinabi ni Padilla na sapat na ang dalawang linggong Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila upang mai-convert ang pagamutan para maging eksklusibo lamang sa Covid 19 patients.

Ang mga pasyente ng EAMC may ibang karamdaman ay ililipat naman sa ibang pagamutan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: